Saturday, July 3, 2010

Mga Kwentong Kutsero ni Kuya W

Tawagin na lang natin syang Kuya W, ang tsuper ng pamilya for the last 9 years. In fairness wala ka rin naman masabi sa loyalty ng aming mabait na drayber. Well, kasi siguro may konting bait naman sila mother at father, at ako rin haha (okay fine, paminsan-minsan lang yung kabaitan ko).

Anyhoo, etong si Kuya W, dahil sa tagal nang namamasukan sa amin eh more or less part na ng family. In short at ease na at ease na. So pag kumakain kami sa labas, lagi syang kasama. At kapag binigyan mo ng menu, aba talagang pipili sya ng gusto nya hahaha. Di sya yung tipong magsasabi ng "kayo na pong bahala." Very casual ang loko, kung maririnig mo nga pano kami kausapin ng kapatid ko aakalain mong mas nakatatandang kapatid or pinsan sya eh, nicknames lang ang tawag nya sa amin. Si Mother naman, "ate" lang ang tawag. Ang talagang tinatawag lang nyang "sir" ay si father dear. Minsan niloloko ko n dapat "Ma'am" din ako kasi ako naman nagbabayad sa kalahating ng sahod nya. Hahaha,pero of course di naman bagay sa aura ko ang "Ma'am", feeling ko lalo akong tumatanda.

Mahilig din makisawsaw sa usapan ng pamilya ang loko. Mahilig magbigay ng unsolicited advice. Na minsan eh palpak, minsan eh okay. In fairness, kahit di nakapag-aral ang Kuya W, may utak naman talaga sya. Siguro kaya panatag din kami. Hindi lang sya street-smart, pero pag nasa bahay ang pinapanood nya eh Discovery Channel at Star World! At pag nag-aantay sa kotse, sosyal! Prisonbreak ang sinasalin sa DVD ng sasakyan~ Nauna pa nga nyang natapos ang binili kong DVD ng Heroes kesa sa akin. Na kinakabwisit ng aming former mermaid. Para kasi kay mermaid, eh nagpapanggap lang si Kuya W, at lagi nilang pinag-aawayan ang remote sa TV sa sala. ("Mermaid: Discovery, di mo naman naiintindihan yan no! Ingles kaya yan!")

Nakakatawa rin tong si Kuya W. Sa totoo lang, kay Daddy lang at sa akin takot ang mokong na ito. Ilang beses ko na rin kasi syang nasigawan. (First offense: ginasgasan ba naman ang kotse dahil pinagamit sa kapatid na nagprapraktis mag-drive!. Second offense: Sinesermonan ko ang assistant dahil sunod sunod ang mali na shipment sa client. Aba ang Kuya W, nakisabat at nagbigay ng opinion. Buti sana kung connect eh, far-out naman. Sa gigil ko, sinigawan ko talaga sya: "Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko kay Gay? Hindi?! Eh bat ka nangingiialam. Tumahimik ka dyan! With matching pamumula ng pisngi!). Anyhoo, alam na ni Kuya W na pag bad mood ako, yun ang time na di ko kailangan ng mga opinion o jokes nya. Alam na rin nya na mabilis din mawala ang galit ko. Isang oras lang eh wala na. Lagi ko naman sinasabi after na "Hay Kuya, nangingialam ka na naman kasi eh bwisit na bwisit na ako eh. Dumagdag ka pa." At ang magaling na driver hihirit pa ng " Oo nga eh, yan ang namimiss namin pag nagaabroad ka eh!') Taray! Sarcastic! Si father naman, di kasi masalita. Pero once na nagalit, yung kokonting salita nya, aba gumuguhit talaga sa kailaliman ng lamang-loob mo ( I should know, I'm his favorite nemesis) haha kaya takot na takot ang kuya W na maprovoke si father magsalita ng masakit.

Anyhoo, One thing naman kay kuya W. Sobrang tried and tested na sya. Pwede mong utusan magdeposito o magencash sa bank. Pwede mong iwanan sa bahay, gawing bantay, pwede mong ipahiram na driver sa mga friends (syempre added kita nya rin yun!), at pwede mong pagtanungan ng chismis about sa mga kapitbahay (paano ang paboritong tambayan nya eh ang guardhouse sa aming residential compound, kaya laging may bagong chika courtesy of the guards.)


Ang problema lang kay kuya W, mahilig syang mag-eavesdrop sa usapan naming mag-aama. Like minsan nabibigla ako na alam ni father ang ilan sa pinagkwentuhan naming magkakaibigan, at nalaman din ni father kung san ako nag-inom , sinong kasama ko nung mga panahong luray-luray ang puso ko. Nga lang hindi marunong magfilter ng kwnto ang kumag, nalalaman ng kapatid ko na pinagusapan namin ni father ang issue sa di pa nya pag-graduate after six years in college. At higit sa lahat, para syang personal storyteller ni mother ng lahat ng nangyayari or naririnig nya from me, father and kiko. In short, dakilang pakialamero sa mga issue sa pamilya. Though fine, harmless naman most of the time.


Parang kahapon. Umaga, kinukulit ko ang tatay ko sa chikkatext about some bakeshop stuffs. Nairita ata, tinext ako na "Jong am in Pagadian, in a meeting." Fine, so sabi ko email ko na lang tapos sagutin nya after ng meeting (oo, makulit talaga akong anak. ahaha). Paguwi ko ng bahay, kausap ko si mother. Sabi nya, sinundo ni Willy si Dad ah, at galing daw sa international Airport! Pero wala namang pasalubong! Hmmmm, sabi ko, haller! katext ko lang si father nasa Pagadian sya ano.
Though normal naman na nagpupunta sa Manila si father ng mabilisan, syempre nagpanic ako kung baka nga galing out of the country sya. Eh bat naman magsisinungaling ang tatay ko no, unless may ginagawang kalokohan (oo, in lieu of a strict wife, since on semi-speaking terms lang sila ni mother, merong dalawang strict na children ang tatay ko~). Text ako agad kay father :"Oist Dad, bat sabi ni W sa NAIA ka daw sinundo kanina? Hah? Kala ko asa Pagadian ka kaninang umaga? Hmmmm! SOMETHING FISHY!". In fairness sa tatay ko, text back naman agad :"Haller, terminal 3, Cebupac flight from Pagadian!" hahaha. Natawa na lang ako. Sabay sabi ni father, 'Hahaha! Mali na naman ang chismis ng driver nating magaling!"


Nakakatawa rin talaga kasi actually sanay na kami sa misinformed chismis ni Kuya W. Parang nung pinakaba nya si mother nung binalitang may anak at asawa na ang kapatid ko at tinatago nya sa Davao. (Haller, napulot lang nya ito nung binibiro namin ni father si kiko na baka sa kanya yung new-born anak nung ex-girlfriend nyang taga-Davao. Na imposibleng mangyari since yun nga ang naging ugat ng first broken heart ni brother.). Minsan gusto kong dagukan tong si Kuya W, di man lang itanong muna kung tama ang intindi nya bago ikalat ang chika kay mother.

At kanina, ang breakthrough report ni Kuya W: Kagabi nagpulong ang board of thunders para sa isang bagong venture na di naman nya maexplain kung ano.( Ang board of thunder ay ang mga middle-aged na circle of berks ni father na mahilig mag-embark sa mga pagkakakitaan at ano-ano pang misadventures. Lima lang sila kasama si father, and parang sila na rin ang closest Titos ko. As usually pag wala si father at may kailangan kaming tulong , kinukulit ko or ni kiko ang isa sa mga board of thunders, para mag-assist sa amin.) So ang bagong chika, may pinaplano na namang new biz venture ang lima. Ang sagot s ko: Okay lang yan, hayaan nyo silang magnego-negosyohan. Buti na dyan sila maglustay kesa sa mga sino-sinong chikas sa tabi-tabi. Hahaha! Henaku, syempre si mother, scared na naman baka malugi whatevs. Eh ano ba, mga self-made naman yung mga thunders and so siguro naman sa edad nila alam na nila ang click at hindi. Considering maaarte na sila at may mga certain lifestyles na pinagkakaingat-ingatan.

Anyhoo, back to kuya W. So ang drama ngayon netong si Kuya W eh hiwalay na sila ng asawa nya. At syempre pinagagalitan ni mother ang Kuya W. Kasi haller, apat ang anak nila no. Eh sino naman mag-aalaga sa mga bata eh nagtratrabaho sya sa umaga at nagtra-trike pa sya sa gabi (In fairness naman, feeling ko quits lang din. Kung lucky kami sa kanya eh lucky din naman sya kahit papano. Binigyan kaya sya ng tricycle ni father ng walang kahirap hirap. Kaya siguro loyal din ang mokong since basta kaya naman eh tinutulungan naman namin sya and lagi silang kasama kapag may extra blessings na dumadating sa pamilya.)

Ayun, minsan nakakaaliw din. Yung so-called na "maliliit na tao" sa sosyedad. Pag kinilala mo sila outside ng kanilang trabaho, marerealize mo na ang cool din ng mga kwento at quirks nila. Minsan nga napapaisip ako, siguro kung nabigyan si kuya W ng pagkakataon na mag-aral, siguro mahusay din itong taong ito. Kasi nakikitaan mo naman sya ng galing at talino. And dahil matagal na sya sa amin, pangarap din namin ang pangarap nya, na mapagtapos yung mga anak nya at maging mas maayos ang buhay ng apat na bata. Anyway, lagi namang binibida ni father ang kwento nya para ma-inspire si Kuya W, na kung walang tumulong sa kanya di rin sana nakapagtapos at di siguro rin aayos ang buhay namin ng kahit papano. So ganun lang din siguro ang role namin kay Kuya W, tumulong basta't kaya. SIguro in life, magandang prinsipyo ang mag "Pay it forward". Nakakatuwa rin kasi maging maliit na catalyst sa pagbabago ng buhay ng ibang tao. Although minsan nakakahassle at nakakagulo ng budget na bigla bigla sa iyo ipapasa yung burden kapag biglang may nagkasakit sa pamilya nila, or may emergency at kelangan ng pera. In the end, basta kaya naman bakit hindi ka tutulong? Nakakatuwa rin kasi maging maliit na catalyst sa pagbabago ng buhay ng ibang tao. At hindi lang buhay nya ang nababago, ang totoo, in the same way, nagiging catalyst din ang mga kwento sa buhay nya, ang pagkwento nya sa pagsusumikap nyang maitaguyod ang apat na anak nya lalo't lumayas na ang kanyang asawa, sa pagbabago ng pananaw natin sa buhay. Ang totoo, minsan nadedepress ako sa kwentong mahirap na napapanood ko sa TV pag nasa Pinas ako. Pero narealize ko, kasi usually isang side lang pinapakita nila sa television eh--yung struggle lang, yung hirap, yung sakit. Aakalain mo tuloy napaka-unbearable ng buhay. Pero naniniwala ako na sa lahat naman, laong lalo sa mas nangangailangan may tinatalaga ang itaas na mga maliliit na blessings na nagiging dahilan kung bakit kaya nating pasanin ang hirap sa buhay --mapa-pera, kalungkutan, pag-iisa, kalituhan, o pagkabagot pa ang dahilan. Si Kuya W ang perfect example nun para sa akin. Sa mata ng sociedad, isa sya sa "maliliit" na tao, pero sa amin, isa na syang malaking bahagi ng pamilya.