Sunday, January 3, 2016

Happy. New. Year. Love

I have been meaning to find the time to sit down in a quiet corner and mull over things, reflect on the idea of us.  I write this here so that there is practically no chance of you reading this.  One day perhaps, when the pixie dust has settled, I'll let you in on  my secrets:

I.
People always say, love comes in the most unexpected ways. And the truth is, despite my cynical view on relationships, I have always had this small inglot of hope, that maybe, maybe serendipity has some truth to it.  My friends, the single ones, the married ones, even my doctor in Pinas, kept pushing me to go out and meet people, date and mingle.  But except for a few tries which I did to really just appease a friend's effort in matchmaking, I knew deep inside that the aggressive way of finding mates which my generation have come to think as a must-do in relationships is not my thing.  I was okay planning for a lifetime of singlehood.  Making dreams on my own, loving my own company, my eye on the prize of  a solitary yet secured life. 

But then you came.

II.  
Where did you meet?
In BLS, we're from the same neighborhood.

Eto yung standard line mo sa friends mo. Which is technically true. But what you omitted was that we first knew of each other's existence through the FB page of our neighborhood while I was in Europe and you were in BLS.  Sabi nga ng friend ko, yung isa sa dadalawang taong pinagkwentuhan ko ng developments  sa atin, para lang tayong yuma-YayaDub haha.

Our chats and voice conversations were fine.  Yung lunchbreak ko usually I spent na ikaw ang kausap ko, and kahit na dahil sa time difference eh, 1AM na sa Pinas kapag lumalabas ako sa office, sinasabihan mo pa rin ako na, magmessage kapag nakauwi na ako. Ang sweet lang.   Pero sa totoo lang, I was half-expecting this new friendship to implode once we met.  Kasi diba, andali naman magbolahan online, anong malay ko kung  nabobore ka lang, at ako naman eh naaaliw lang sa unsolicited attention at flattery?  Naisip ko, sige mambola ka lang, pero di mo ako maiisahan. 
Of course, honestly, gusto ko rin na magustuhan mo ako, at magustuhan kita.  Yung tipong kahit hindi fireworks-worthy attraction eh atleast naman enough to kindle some fire.

Kaya, oo, stressful yung first  few minutes ng first date natin sa EK. Ang iniisip ko lang noon, if in the end we didn't like each other, at least nalibre ako sa EK. Those trusted friends with whom I have told our stories (two lang sila), they warned me, do not expect too much in the relationship until you've met each other.  Tapos ang awkward lang diba, kasi parang parehas tayo trying to connect the person next to us with the one we've talked with, exchanged lambings with.  Yung mga awkward moments habang binabaybay natin ang expressway papuntang EK, yung sa isip ko naghahanap ako ng topic na i-open.  Eh ayaw na ayaw ko pa mandin ang smalltalk.

Ayaw mo pa kasing aminin eh.  Pero siguro sinadya mo na yung Rio Grande ang una nating sakyan ano, para magkaroon ako ng utang ng loob sa iyo haha! Ayan tuloy ultimo underwear ko nabasa at kailangan kong hiramin ang extra polo shirt mo.  Paano pa naman ako magdadrama ng aloof-aloof-an eh mukha akong basang sisiw tapos yung sandals ko na napasukan ng tubig eh nagqua-quack kada step I take.  There was no other recourse but to laugh at our follies.  To be fair, di ko nafeel na kinahiya mo yung super wet look complete with hamog at kulob scent ko habang iniikot natin ang EK.

I think dito narealize ko, gentleman ka talaga. At kagaya ko na pwedeng pagtawanan ang mga bagay bagay. Kailangan ko kasi ng isang taong kayang tumawa at magpatawa.


III.
One thing na sobrang natouch ako, yung kilala na ako ng extended family mo at nigreet pa nila ako ng happy new year. Sobrang natouch ako.  Pati bestfriends mo kilala na ako.  Sorry, until now di ko kinakalat yung sa atin.  Kasi para sa akin, the people that matter ---immediate family, BFFs, alam na naman nila.  For me, enough na yun.  Sorry, hindi ako FB person, ayoko ng nagbrobroadcast ng buhay natin sa FB, matatanda na tayo eh, parang mas masaya na tayo lang at ang mga importante sa atin ang nakakaalam kung ano na ang mga pangyayari.  Thank you kasi alam ko nagaadjust ka for me about this.

Pero thank you lalo, kasi napakaopen mo sa akin about sa pinagdaanan ng family mo, yung mga secrets na kung tutuusin eh hindi ko na dapat malaman. Kahit na lagi kitang inaasar, kahit na I'm sure alam mong gagamiting kong punchlines yung ilan sa mga oneliners ng kwento mo, inopen up mo pa rin sila.  Thank you. I  feel as if you are telling me, look love, this is who I am, please accept me.

IV.
Alam kong kuripot ako. Pero ang saya lang na mas mahusay ka sa pagkukuripot and yet naeenjoy pa rin natin ang mga dates natin. Ang husay mo! T for talent! Sa totoo lang, ito yung isa sa mga nakakaaliw na moments pag lumalabas tayo haha.  To watch yung mga hustle skills mo to "beat the system".  Gustong-gusto kong iblog ang mga style mo  na natutunan ko tuwing nagda-date tayo:
- Paano makakakuha ng 30% off sa drive-thru meals
- Saan dapat pumunta ang pasosy pero kurips
- Saang dimsum ang 50% off kapag gabi na
Pero ayaw ko naman na maging mainstream sila, eh pag alam na ng karamihan, di na natin sila magagamit.  Kaya I shall keep your hustle moves a secret for the meantime :-)

Sobrang saya ko na masinop ka din sa pera at alam mo ang priorities sa buhay.  Although alam mo, mahal, okay lang din naman na magshare ako paminsan minsan pag lumalabas tayo. Parehas naman tayong may work.  Sapat na yung driver kita :-).

V.
Ang totoo, narealize ko kung gaanong kalaking blessing ka sa buhay ko nung lagi mong pinapaintindi sa akin yung tother side ng alitan namin ng Daddy.  Naalala ko nung pasko, tinanong mo ako kung ginawa ko ba yung pinangako kong babatiin ko sya ng merry christmas.  Tapos nung nagdahilan ako, nagpakatyaga ka na iexplain sa akin about grace, forgiveness and paano makakatulong sa akin ang pagpapauna ng bati.  Nung natanggap ko ang reply ni Dad sa New Year's Eve message ko, tinext kita agad, kasi diba ikaw kaya ang pasimuno ng lahat.  Kalahating dekada na kaming di naguusap eh,  tapos sa kakaexplain mo sa akin lumambot ang loob ko na batiin sya ng new year, akalain ko ba na hinihintay lang nya at ipinagdadasal na ako ang maunang bumati.  Sobrang iyak ko lang.   At kahit ngayon, pag tinitignan ko yung message ni Dad, naiiyak ako. Para kasing sobrang akma, bagong taon tapos  yung posibilidad na bagong relationship with Dad.  

Ang sabi mo, hindi ka dapat pasalamatan, kasi kahit ano pa ang POV at guidance na ishare mo, nasa sa akin pa rin yung final action.  Oo totoo naman, pero malaking bagay, sobrang laki, na andyan ka para sabihan ako kahit na alam mong matigas din naman talaga ang ulo ko. Sa totoo lang, ang patient mo.  Salamat sobra.  Hindi mo alam kung gaano ka napalapit sa akin dahil dito.


VI.
Alam kong sobrang gaganda ng mga ex-es mo.  Pero never ko nafeel na mainsecure, sa totoo lang.  Kasi sa lagi-laging kong pangaasar sa iyo, ba't di ka magdate ng taga-Pinas para mas madali ang buhay mo, lagi akong naassure na hindi ganun yun.  Tapos iexplain mo sa akin ang biblical definition ng pagmamahal.  Sa totoo lang,  akala ko okay na okay na ako noon - matalino naman ako, di naman ako pangit, may ipon naman ako.  Pero narealize ko, namimiss ko na rin maging malapit kay Lord. Na ito yung kulang. Marami pa rin akong di alam sa buhay, one of which is how to have a strong faith.  Ikaw, sa dami ng napagdaanan mo, sobrang nananalig ka talaga sa Diyos at sa pagbless nya sa ating dalawa. Naalala mo minsan sinabi ko, baka ikaw ang binigay sa akin ni Lord para marekindle ang faith ko.  Sa tingin ko totoo yun.  Faith in love, Faith in loyalty, Faith in the Lord. 

Lagi lagi mo sinasabi sa akin, hindi ka perfect, hindi ka sobrang mabait, pero you try.  Sapat na yun.  Ako nga alam ko nang di ako perfect, ayaw ko pang mageffort eh. Dati.  Pero ngayon sususubukan ko rin. Ang cliche talaga. Pero sige na, you seem to bring out the hidden goodness in me. Bumabait na yata ako haha!

VII.
Pag inuulit ulit mo na sinasabi na mahal mo ako sobra. Lagi kitang binubully ng, Weeeh? Bakit?!  o kaya sasagot ako ng Thank You!sabay tawa.  Pasensya na. gusto ko pag sinabi kong mahal kita, buong buo ka na sa puso ko. 
Pero eto ang malupit na secret, araw araw lalo kang napapamahal sa akin. Sobra.  Iniisip ko rin bakit eh, kasi mabait ka, kasi nirerespeto mo ang kakayahan ko, kasi di mo ako minamadali, kasi magkaiba tayo ng pananaw sa maraming bagay at nageenjoy tayo magdiskusyon, kasi tinyatyaga mo akong ipakilala ulit sa bibliya with matching bible passages,  kasi mababa ang loob mo sa mga taong mahihirap na importante para sa akin, kasi di ka nadyadyaheng maging clingy ng slight at sabihan ako na magmessage naman ako pag di ako busy, kasi ang mature na natin, pero sa totoo lang nakakakilig pa rin. Shhhh! :-)