Tuesday, April 29, 2008

The World According to Daisha

I. Sa Daan

“Mama, di po ba kayang magtricycle papunta dun?” eto ang unang tanong ng pitong taong si Daisha sa aking Nanay habang paalis kami ng bahay sa Manila papuntang Paranaque kaninang umaga. Maya-maya, nakakita sya ng mga window cleaners sa isang mataas na building sa South Superhighway. Kinalabit nya ulit si Mother, “Mama, pano sila nakakarating dun?”. At nung nabasa nya ang karatula ng East Asia College na may kasamang logo ng SM. “Mama, maganda rin ba yung SM sa pupuntahan natin?”.

In fairness sa Nanay ko, kapag si Daisha at ang dalawa ko pang pamangkin na si Mac-Mac at Deanna ang nangungulit sa kanya, nagkakaroon sya magically ng 10,000 yards of patience. Type na type nya yata na tinatawag syang Mama ng tatlong kids, feel na feel ang pagiging lolang hilaw.

Kaninang umaga, nung paalis na kami sa bahay, biglang nag-ngangangawa ang two years old na si Deanna dahil di namin sya maisama at walang mag-aalaga sa kanya. (Ang totoo okay lang naman sana syang isama, mabait naman yung bata. Kaso kakatamad magtimpla ng gatas ng bata at lalong yucky magpalit ng diapers hehe). Ang pinsan kong si Ate L, ang nanay ng magkapatid, pilit sinusuyo ang batang nagiiyak. Sabay lapit naman ang aking Nanay in super Lola mode, “Wag nang umiyak, Yana, bukas sasama ka na. Anong gusto mo baby?” . Gatol naman ang Ate L, “O Deanna, ano daw gusto mo o, sabi ni Mama? Jollibee?”. “Jabi!” with matching hikbi-hikbi pa ang sagot ng mahal kong pamangkin.

O diba true na true nga na kids are the greatest manipulators. Konting smile lang o kaya pag di umepekto, isang ngawa lang siguradong matataranta na ang mga matanda. Hmmm, sayang. Ba’t kaya nawawala ang power na ito habang tumatanda tayo? Hahaha.

Pag nasa Manila ang tatlo kong pamangkin (absent ang isa at iniwan sa Ilocos dahil kakatapos lang magka-small pox) napupuno ang bahay ng mga pinagkainan ng chichirya at tsokoleyt, ng tawanan at kung ano-anong linya na pang “Kids say the darnest things”. Pero okay lang kasi may nauuto rin kaming sumayaw at kumanta ng latest song/dance craze sa Wowowee at Eat Bulaga. Nagkakaroon din kami ng excuse para tumingin sa National bookstore ng coloring books at crayola (tapos pagdating sa bahay, makikisawsaw sa pagcocolor hehe). At may nahihila akong kasama sa paglalakad ko sa liwasan, yung park na malapit samin, sa umaga. It goes without saying na pagbinibisita kami ng aking pinsan at ng kanyang mga anak , nag-iiba ang focus ng mga aherm, matatanda. Ang nanay ko kahit bawal sa maaalat ay nagiging parokyano ng Jollibee. At syempre di mawawala ang mga bisita sa SM, lalo na sa Mall of Asia (with matching sakay sa shuttle na umiikot-ikot dun ala choochoo train). Kagabi nga nagpaparungit si Daisha na meron daw malaking Aquarium na pwedeng maglakad sa loob. Hmmm, tignan natin kung enough ang powers nya kay Mother.
--------------------




II. Sa Paranaque
Alas-diyes palang ng umaga at kakatapos lang namin maglinis ng bahay pero ang batang bubwit di na mapakali. Yan kasi, si Mother nangako-ngako ng SM kaya ayan tanong na ng tanong ang bata kung maliligo na ba sya at magbibihis ng panlabas. Nakakatuwa rin naman ang mga kids, talagang masigasig din. Never say never. Sinabihan na sya ni Mother na magluluto muna kami ng pang-lunch nung mga karpintero kaya ngayon every five minutes sumisilip at tinitignan kung nakaluto na.

Bago mag-lunch nagpunta na kami sa SM. At syempre excited ang bata. At syempre dahil kasama sya, Jollibee na ito. Nakakatuwa rin ang pamangkin ko. Di sya masyadong mahilig sa Kiddie Meal. Tanong ni Mother, “Anong gusto mo, Daish?” “Umm, Mama chicken joy, saka french fries, saka ice cream.” Growing kid! At oo, naubos naman. Pero No, di sya mataba. Siguro kasi malikot to the max kaya slim (mana sa tita, charing).

So pagkabili ng gagamitin sa bahay, daan kami sa hypermart. Una tahimik ang kid. Tatakbo takbo at aabot abot ng mga binibili ni Mother. “Daisha, kuha ka nga ng Axion na green”. Takbo naman ang bata. Nung nasa snacks aisle na kami nagparinig na ang bata “Ay Mama, favorite ni Deanna yung Pringles.” Galing! Marunong nang gumamit ng other people para makuha ang gusto (Hmmm, baka it runs in the family, hahaha). So since super-lola mode si mother. May I buy sya ng tig-isang pringles ng mga kids. Maya-maya nakakita naman ng chocolates. In fairness, di mahilig sa imported na chocs ang bata, ang tinuro ay ang different variants ng Choco/Corn/Strawberry/Milk Knots ng Jack and Jill. Kuha sya ng tig-dadalawa, kasi yung isa daw para kay Deanna. Yun siguro ang maganda sa may kapatid , bata pa lang natututo kang mag-isip ng di para lang sayo. (Pero pag nasa bahay may style din tong batang to. Papabukas nya muna kay Deanna ang mga biscuits nung isa, sabay hingi hahaha)

Last stop, National Bookstore. Nangako ang dear tita nya na titingin kami ng coloring books. At syempre gaya rin ng dati di kami nakabili ng coloring books. Nakakita ng Disney Princess na Puzzle ang bata, at play-doh . Syempre bata, nadaan sa kulay pink at drawing beautiful ng princesses sa puzzle pati na ng colorful na Spongebob Squarepants packaging nung Molding Clay set. Okay lang naman, di naman kamahalan ang mga binitbit nya at educational naman.

Kaya heto, buong maghapon, pagka-uwi sa bahay sa Paranaque, puzzle at play-doh to the max. Naka-tatlong beses nyang binuo at dinis-assemble yung puzzle. Ang Nanay ko, true to being a matanda, sabihan ba naman si Daisha na” kung ako sayo, lalagyan ko ng numbers yung sa box ng puzzle para madali lang.” What a killjoy! Buti na lang marunong na rin mangdedma ang kiddo. Nung nagsawa na, play-doh naman. Hmmm, creative venue na ito. Nag-contest kami ni Daisha ng pabilisan gumawa ng flowers. Tapos nung natapos na ako, sabi ko, Daish kunin ko laptop ko ha, may gagawin ang tita. Sige gawa ka lang. Haha, may short attention span si tita. At ayun nga, nakagawa sya ng dalawang flowers (okay pala na combination ang red and white na petals ha, in fairness), isang basket, at isang kulay green na tao (ala witch’s doll) na complete with yellow earrings, red necklace at putting sapatos.


Iba nga talaga ang atmosphere ng buhay pag nandito sila Daisha. Nalilibang kami just by watching their reactions. Napaka-guileless ng actions nila. Napapaisip tuloy ako na ang sarap nga talagang maging bata. Pero since di na pwede yun, okay na rin at masaya na na minsan may mga cute at tabitab akong pamangkin na nagpapaalala sa amin ng saya at kawalan ng malay sa problema.